Sunday, July 13, 2008

Book: "Memoirs of Klitorika"


"Matindi pala ang nilalaman nito ha! Nung una pagtalakay lang ito sa pagsibol ng isang babae patungo sa pagkadalaga. Dahil tinalakay mo ang pagkakaroon ng crushes, pagkakaroon ng regla atbp. Pero unti-unti nitong dinadadala ang mambabasa sa kung ano ba talaga ang kahulugan ng salitang Klitorika, na tumatalakay sa isyung seks. Mapangahas ang liro mong ito dahil ito ay pagbaluktot sa pananaw nating Pilipino na ang babae ay dapat sa isang lalake lang nakikipagtalik, sa kanyang kapareha o asawa.

Natitiyak kong maraming magre-react at masasagasaan ng librong ito hindi lamang ang mga babaeng konseratibo kundi lalo na yaong mga lalakeng hindi nila tanggap na ma kasawsaw sila sa kanilang karelasyon. Alam mo na, palasak sa atin ang kasabihang, sa lalake walang mawawala pero sa babae ay mayroon. Humahanga ako sa iyong kapareha dahil napakabait niya dahil kung ibang tao siya ay sa hiwalayan din kayo mapupunta. Pero sabi mo nga nasa tao naman ang pagtingin ng isang bagay kung moral o imoral ba ang aksyon ng isang tao..."

"William" commenting on "Memoirs of Klitorika"
Read the full review

0 comments: